NNBAMPNKSPSKMP

Nakakasuka Na Ba Ang Mga Pangalan Ng Kung Sino-sinong Politiko Sa Kataas-taasang Mga Poste?
Alam mo yung mga ganon. Yung may acronym pa na akala mo ang witty at creative na ng sign nila.
Eto yung tanong. Para saan nga ba ang sign na yon?
Bakit nga ba parang kinakailangang may pangalan ni Konsehal Kupal at ni Governor Gago kung saan-saan? Tapos naman na eleksyon. Para saan pa kaya sila? Pampaganda? Ang sarap ngang alisin eh. Pano naman makakapaganda ng paligid ang napakataas na posteng may nakasulat pang pangalan ng politiko ng Nakaayos Na Ganito na may sobrang gasgas na slogan, parang NNG: Napakagaling Ng Gobyerno, o Nakakabobo Na Gago.
Pinakanabanas siguro ako dun sa Happy Birthday tarp para sa isang Baranggay Captain, tsaka dun sa isang grupo ng mga politikong dinikit ang mga mukha sa miyembro ng Justice League. Bilang Fine Arts major, dumugo mga mata ko nang nakita ko ‘to. Kadiri. Ang pangit. Sayang sa pera. Bakit ka nga ba maglalagay pa ng ganon? At tsaka anong paki namin kung birthday ni ganito sa araw na yon? Ibabati ba namin siya? Ba’t nung birthday ko wala akong tarp? Special ba siya? Yun ba yon?
Kaya sa susunod na makakakita ka ng mga dambuhalang name tag ng mga politoko, alalahanin mo lang DKNABM: Dito Kaya Napupunta Ang Buwis Mo?