Anons / Ang Konsepto Ng Mainstream
Sisimulan ko siguro na sa mga anon na nag-memessage sa akin, salamat, pero sana hindi na kayo nagpapaka-anon. Sigurado rin naman akong ‘di ko rin kayo kilala, so kung baga anon na nga rin kayo sakin, at anon na rin ako sa inyo. Ayoko lang napupuno ang mga Dashboard ko at ng followers ko ng mga reply ko sa mga PM. ‘di naman sa ayaw ko makatanggap ng PM, sana lang hindi na kayo nagpapaka-anon pa.
Hindi naman ako yung tipong fofollow ng taong may hot na DP sa Tumblr o ano. Professional lang sana. Salamat sa humahanga sakin, pero mas matutuwa rin ako kung kilala ko kung sino ka, hindi yung maiilang at magtataka ako kung stalker ba ‘to o ano.
_____
Mainstream. Uso. Tsooong.
Naririnig niyo na siguro ‘to. Tangina araw-araw niyo nakikita ‘to. Bakit yan ang suot mo? Bakit yan ang pinapakinggan mo? Bakit siya ang iniidulo mo? Bakit sila ang kaibigan mo?
Eto ang mainstream. In ka raw. In with the crowd ‘yo. Kung wala ka dito, wala ka talaga. Lame ka. Loser. Jologs. Jeje pa nga. Pero saan nga ba mas nakakabuti? Maging uto-uto na lang sa paligid o magkaroon ng sariling pangalan?
Sa lipunan ngayon, hindi maiiwasang magnais na maging tanggap ka. Kitang kita mo nga sa news at tsismis ang mga baklang nagpapakamatay dahil hindi sila tinatanggap ng mga kakilala nila. Pati na rin ang mga jejemon ay nagiging biktima dito. Swerte lang natin wala pa namang balitang may jejeng nagpapakamatay dahil walang umaaccept zA vibez nYüh p0whz .
Wala namang masama sa pagiging jeje hindi ba? May trip lang sila. May trip lang rin tayo. Hindi lang jeje, pero sila yun trip nila. Walang basagan ng trip, sabi nga nila. Eh yung problema, ang tinatawag na stereotype. Alam niyo na siguro yun. Kunyari, si X ay fan ni Lady GaGa, mahilig sa art at design, at nanonood ng America’s Next Top Model. Iisipin mo babae ‘to. Pano kung lalaki? Bading. Becky yan teh. Oo. Label agad tsong. Yun ang tinatawag na stereotype.
Kung mahilig pala siya kay Lady GaGa, pero fan rin siya ng Metallica at The Rolling Stones? Paano kung mahilig nga siya sa art at design, pero graffiti at tattoo artist siya? Paano kung sumusubaybay nga siya sa America’s Next Top Model dahil nagagandahan siya sa mga contestant don at pinagja?
Pwede naman diba? Parang pwede ang atletang babae at stay-home dad. Sinong nagsabi hindi ka pwedeng maging ganito? Sinong nagsabi hindi ka pwedeng magkaroon ng ganitong pagkatao? Ikaw, tsong. Ikaw.
Oo. Na-eexpose ka sa kung anu-anong environment, oo. Pero ikaw lang ang makakapili kung magpapakaapekto ka don. PERO. Masama ba? Masama bang makihalo nalang? Hindi naman siguro, diba. Kung maganda ang impluensiya, bakit hindi. Ano namang masama kung mahilig ka kay Justin Bieber o Selena Gomez o sa anak nila? Wala, pare. Wala. Cool pa rin u bro. Well depende rin.
Bakit naman masama ang pagiging mainstream? Eto. Kung nawala ang mga idolo mo, kung nawala ang uso, ang sikat, asan ka don? Wala. Wala ka, pare. Pag sa kanila ka na umaasa para maging ikaw ikaw, may problema ka na. Kung buhay mo Belieber ka lang, o palangoy-langoy ka lang sa uso, parang isdang ilog na langoy lang nang langoy hanggang napadpad siya sa dagat. Patay yung ionic concentration sa katawan mo.
Get a life nga raw, sabi nga nila. Hindi masamang maging uso, hindi rin masamang maging iba ka. Basta’t alam mo kung sino ka at kung may sarili ka pa ring pinaniniwalaan, cool ka pa rin bro.
▲