HOY! IKAW!
OO! IKAW!
Lalo na ikaw. Ikaw. Yung sawing emo na palike-like at reblog ng post na emo rin at akma sa nararamdaman mo.
Hindi naman sa may galit ako sa mga taong ganito.
Eto lang. Anong magagawa niyan sayo? Babalik ba jowa mo dahil diyan? Hindi. Pinasasaya ka ba niya? Hindi. Bigla bang may makakakita sayong anon at bigla kang lalandian at magiging kayo forever and ever? Lalong hindi.
Para bang sumindi ka ng kandila, tapos natapig mo, lumiyab yung sapin sa table, binuhusan mo pa ng gasolina. Malungkot ka. Oo.
PERO. Kung gusto mong maka-get over, mag-move on, ganito ba yung paraan? Hindi tsong. Hindi teh. Marami pang isda sa dagat. Sabi nga sa pelikulang “No Other Woman,” ang buhay parang Quiapo. Maraming snatcher. Malamang wag ka na lang pumunta sa Quiapo diba para hindi ka manakawan.
Pero ganito lang yan. Nag-risk kang pagbigyan siya, hindi naging kayo. Okay.
Hindi pinagtadhanang maging kayo.
If anything, dapat matuwa ka!
Bakit!?!?
Kung si ex kupal, gago, heartbreaker, asdgshsdh, eh pano kaya yung bago mo? Isa kaya ‘tong prinsipeng nakasakay sa karwahe o pang cover model ng Vogue at Elle ang itsura?
Liban lang kung may plano kang magpari o magmadre. Ayos lang rin yon.
Pero sa mga natatamaan ng mga salita ko, eto ay isang virtual hug para sayo. *HUG* Ito rin ay isang virtual sampal para lang sayo. Tangina gumising ka na. Hindi na kayo, PERO AYOS LANG!
Sinasabi nga ng nanay ko, nabubuhay ka naman dati pa nung ‘di pa kayo magkakilala. Hindi totoo ang mga I can’t live without you. Nagawa mo na yon, at kaya mo gawin ulit ngayon.
Pero, hindi mo naman kailangang mag-isa. May kaibigan ka, may pamilya ka, may alaga ka, may kung sino-sinong mahal mo sa buhay. Hindi ka nag-iisa. Nandyan sila para sayo.
Darating rin si Prince Charming o si Princess Sara sa buhay mo. Parang Commonwealth yan. Sundin mo yung speed limit. Kung hindi ka huhulihin, baka makasagasa ka pa ng kung sino-sino. Easy lang, tsong. Easy lang. Darating ka rin don sa gusto mong puntahan.