Pang Masa
Bakit nga ba Fine Arts ang kurso ko sa kolehiyo? Kasi light sched? Kasi chill lang? Kasi walang Math? Oo sa lahat na ‘to, pero mas importante, dahil ang media ay makapangyarihan.
Oo. Makapangyarihan. Mas malakas ‘to sa gobyerno, sa edukasyon, at kung minsan sa relihiyon, maliban na lang kung nabrainwash ka na ng mga extremistang pari sa Pilipinas.
Paano naman?
Milyon-milyong Pilipino ang nanonood ng telebisyon araw-araw. Kailan naman sila sumisimba? Ilang beses? Ilang beses ba sila magkakaroon ng paki sa pamahalaan? Pag may issue? Pag may nandaya sa eleksyon? Ano ang nagpapa-procrastinate sa mga estudyante?
Media. Lahat. Media. Kung ang edukasyon ay espada, relihiyon ay baril, ang media ay ang hagupit ni lord.
Pangarap ko kasing magkaroon ng channel sa TV, parang ABS o GMA, pero hindi kasing corny. Gusto ko yung ala-Fox o NBC ang dating. Balanse. May news, may mga palabas, may cartoons na may matinong series, hindi yung mga pinapadub lang (in fairness ah ang galing ng mga nagdudub sa TV5. Naaliw ako sa pagdub nila sa Scooby Doo. Malapit talaga yung boses ng taga-dub sa aktwal na boses sa Ingles na cartoon).
Bakit naman? Kasi nasasawa na ‘ko sa pangmasang programa, lalo na ang mga telenobela.
Sabihin niyo sakin kung narinig niyo na ang mga ito.
1: May batang ulila. Biglang nagkapowers pag tanda niya. Pero ulila pa rin. May powers lang. Kikidnapin ang shota. Rescue. Patay si kalaban. Patay si bida. Pinatay mo ang channel dahil hindi mo na kaya tingnan ang nakakasukang special effects.
2: May batang ulila. Anak ng makapangyarihan, pero nagkataon may kumuha sa kaniya o naswitch at birth. Napadpad siya sa mahirap na pamilya kung saan matutuklasan niya na hindi pala yon ang totoo niyang magulang. Mamamatay ang nanay. May kabit ang tatay.
3: May batang ulila. Maaawa kayo sa kanya. Bakit? Kawawa eh. May kapansanan. Autistic o ano. Basta mahirap. Ayun. Tapos sa huli ganun pa rin siya pero kunyari na lang masaya na yung ending.
Ganito naman parati eh. Oo, minsan nakakapanood ako ng local shows dahil trip ng lola’t mga katulong manood non pag hapunan. Lahat pare-pareho, parang may format na yung mga channel. Alam mong ABS pag may kawawang batang kawawa’t mahirap, o kaya’t may pamilyang sobrang dramang ‘di mo na maintindihan kung bakit sila nag-aaway. Alam mong GMA pag ang sagwa ng effects at lighting. At may bading. At may batang napapadpad sa maling magulang. TV5, meh.
Galit ba ‘ko sa mga palabas na ‘to? Medyo lang.
Gusto ko lang makakita ng palabas na may substance.
Takot ang mga Pilipino eh. Oo, takot sila. Kahit ilang pro-Pinoy ads ang gawin ng gobyerno takot pa rin tayo. Takot. Duwag. Pinapatay sa shokot.
Saan? Sa pagbabago. Dito na lang kasi mabenta ‘to. Dito na lang kasi gumagana naman. Tingnan niyo kung ilang sequel na yung Shake Rattle And Roll. Tingnan niyo kung sino pa rin yung mga artista ngayon. Tingnan niyo ngayon kung ano ang tunog ng mga *sumisikat* na OPM bands at artists.
Kaya gusto ko mag-media. Kontrobersyal ba? Tangina niyong lahat. Kontrobersyal lang kung papatol kayo. Gusto kong baguhin yung lahat na ‘to. Pero, kung isipin niyo, wag niyo na ‘kong hintayin.
Sino ba ‘ko diba? Lahat na sa sayo kung may gagawin ka sa sitwasyon mo. Bahala na nga si Batman, pero wag niyo nang hintaying magreklamo pa siya.