Ora Gloriae
Kung trinanslate sa Ingles ay “The Edge of Glory.” Maaari rin siyang “The Mouth of Glory.” Pero siyempre kung nanonood ka ng balita, mukhang iisa lang ang Glory na gustong pagtripan ng mga Pinoy. Aba’t sino pa ba kung ‘di ang dating pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo? (Tangina anong klaseng Introduction yan)
Nanonood ako ng balita nang makita ko ang pinagkakaguluhan siya ngayon sa airport kasi pinaygan na raw ng Supreme Court si Gloriang maka-alis sa Pilipinas.
Pero mukhang ang issue talaga ay kung bakit siya pinayagan. Marami raw inconsistency sa documents, sa diagnosis. Wala naman raw appointment sa doktor o kung anu-ano. Ano ba meron kay Gloria?
Pero teka nga. Eto ang tanong ko.
O, tapos?
Sugurin niyo nga si Gloria, kidnapin niyo siya, ikulong niyo siya. Guilty na siya. Tapos ang kuwento. End of story. Bow.
Hustisiya oo, pero, yun nga eh. Gusto lang talaga ng masang makitang umiiyak si Ate Glo’t nadurusa sa kulungan. Hindi ba’t yun naman talaga ang trip ng pinoy? Para bang sabong. Gusto puro dugo lang ng dugo. Kalmot nang kalmot. Pero sa dulo, pag tumagal, pareho rin naman silang magiging hapunan ng isang pamilya.
Tangina naman kasi. Nababanas ako kasi, yun nga. O tapos? Hindi na nga pangulo yung tao. May sakit na nga, kahit hindi man pinapaniwalaan ng marami. Ano ang magagawa nito ngayon?
Magandang usapan pa ‘to kung nung presidente pa siya eh, pero etong namamahala na lang siya sa probinsya, ano pa ba ang silbi nito?
So sinasabi ko bang dapat pati yung mga nagrarape, nagddrugs, nang-aabuso, sila rin ba dapat ibali-wala na lang? Ganito rin naman yung kay Gloria, hindi ba?
Hindi. Hindi ko sinasabing dapat ibali-wala ang pagkasala ng mga kriminal. Dapat lang talaga sila maparusahan!
Hindi lang ako natutuwa sa nangyayari sa Pilipinas. Ito lang naman ang buong dahilan ng blog ko, hindi ba?
Hindi niyo ba naiisip na babalik rin sa Pilpinas si Gloria?
Hindi niyo ba naiisip na, teka nga, bakit ngayon lang lumitaw yung issue na ‘to eh ilang taon na ang lumipas?
Opinyon ko lang sinasabi ko dito, at sa tingin ko, bayaan niyo nang umalis yan. Babalik nga rin yan. Hindi naman pwedeng manirahan yan sa ibang bansa kung hindi siya citizen don. Maaari ngang gusto niyang tumakas, pero bayaan niyo na.
Naniniwala ako sa karma dahil kung baga ang karma ay parang physics lang siya, hindi ba? For every force there is always an opposing force that follows it. Whiplash sa kotse, kidlat at kulog, at eto, karma.
Sinabi sa biblya na walang karapatan ang taong maghusga sa kapwa tao. Sa diyos na lang ang lahat, at sige. Pag bigyan natin si Lord. Siya na siguro bahala kung saan mapapadpad si Ate Glo.
Hindi niyo ba naiisip na ang mga hot topic sa balita ay maaari ring bluff para sa mga hidden agenda ng ibang politika? Para bang pininturahan mo nang black paint ang t-shirt mo para itago ang mantsa. May naririnig akong totoo ang usapang ganito. Pinapalitaw ang isang issue para hindi pag-usapan ang isa.
Maaaring totoo ‘to. Maaari ring may sakit si Gloria. Maaari ring wala. Lahat maaari.
Tangina hindi ko na alam. Sakin lang, darating rin sa kanya ang nararapat sa kanya. Wag na sana makihalobilo pa ang media sa hindi na dapat pagkaguluhan. Kita mo yan, Ramjen?
(Tangina anong pinagsasabi ko dito sadgsdhsd)