Balarila

Mga sabi-sabi ng isang lalaking mukhang may maraming problema sa buhay. Ako rin ang may-ari sa tumblog na kunstrock at drtherapy.

Articles

Research Paper

Ito marahil ang aking stand sa aking research paper para sa English class ko. Sa tingin ko, dapat ko ulit baguhin ang aking topic. Bakit kaya?

Ang topic ko kasi ay anig pagiging hmmm. Paano nga ba ‘to sabihin. Ang pagiging overrated? O over commercialized? Ng Pinoy Music Scene.

Sa akin problema ‘to. Yung gusto ko lang iimply kasi na ang tunog Pinoy ay tunog Pinoy. Pare-pareho ang tunog ng mga banda. Kung sino-sinong celebrity ang bibiglang magrerecord ng album at kakanta na para bang big time singer sila.

Napansin ko rin mas matagal nang umiral ang OPM, ngunit nalagpasan na tayo ng K-Pop at J-Pop internationally.

Concern ko kasi sa research paper ko baka maging ala-blog post na naman ‘to. Nagsearch rin ako at wala akong makitang sources, o kung meron man, ay mahirap.

Ako lang ba nakakakita ng problema? O masyado lang ba talaga akong galit sa mainstream media?

Ano ang issue ko ba sa OPM? Ang issue ko ay simple lang. Sawang-sawa na ‘ko sa OPM. Alam mo yun? Pag naiisip ko ang OPM, naiisip ko lang ang mga bands na lumalaban sa mga Tanduay/San Miguel Battles-Of-The-Bands at ang mga senti acoustic na nung panahon ko pa.

Kung hindi man yon, yung mga slow song na nung mga panahon pa ng nanay ko. Sila Jaya, Ogie Alcasid, Regine Valasquez, yung mga ganon?

Yung insulto sa akin yung trip ng mga TV network na gawing singer ang mga artistang wala naman talagang boses.

Pwede kaya yun ang stand ko? Ang pagcocommercialize sa mga artista sa Pilipinas? Yun na lang kaya.

Oo. Pwede. Marahil wala naman sigurong masama sa pare-parehong tunog. Eh kung bumebenta sila, siguro naman maganda sila diba?

Pero hindi pa rin ako kuntento talaga eh. Marami akong kilalang may galing sa sinig at musika at ang lupit nila. Mama-mindfuck ka talaga sa galing. May pambato na tayo sa mga 2NE1 tsaka Big Bang! Ang galing kasi nila eh! Pero hindi sila kilala.

Imbis na ang mga malupit na Indie artists ang bigyang pansin, masyado pinopokus ang mga actor/model/singer/football player/dancer/atbp.

Ito na lang kaya ang focus ng topic ko? Ang pagiging overrated at commercialized ng mga artista. Mukhang mas madadalian ako dito.

Pero nagsearch ulit ako. Wala pa rin akong makita! Wala akong makitang credible source, at least. Puro mga blogs at forums nakikita ko eh.

Hayyyy.

Eh ito, nagtataka ako.

Ito ngayon yung tanong ko.

May problema nga ba sa Mediang Pinoy? O ako lang ba ang nakakakita nito?

Argumentative paper nga ‘to. May stand akong malupit, pero wala akong evidence, kasi wala akong makitang evidence. Bakit wala? Nag-iisa lang ba ‘ko sa punto kong ito?

Bahala na nga. Mag-iisip na lang ako ng ibang topic siguro.