Balarila

Mga sabi-sabi ng isang lalaking mukhang may maraming problema sa buhay. Ako rin ang may-ari sa tumblog na kunstrock at drtherapy.

Articles

Secret Sphere of Influence

Kinakailangan mong tumingin sa malayo para makita ang buong larawan. Kailangan mong lumayo sa pinanggalingan mo para makita ang mundo. Ito ang naging karanasan ko.

Sa madaling salita, sa buhay may makikilala kang tao. Akala mo mas kilala mo pa sa sarili mo. Akala mo sila na talaga, hanggang sa umatras ka pa ng onti. Onti pa. Sige pa. Sige pa. Sige lang, hanggang nakikita mo na ang buong mundo mula hilaga hanggang silangan, hanggang nakikita mo na ang magkabilang dulo ng araw at gabi.

Ngayon ko lang nakita. Oo, ngayon lang. Para bang scientist ako. Sumisilip sa microscope sa buong buhay niya, hanggang isang araw nagshift ako ng course sa BS Astronomy, at don ko lang nakita ng buong-buo ang kalawakang hindi ko unang napansin dahil masyado akong busy sa kakatingin sa kaliit-liit na bacteria.

Nagpapasalamat ako sa mga taong ‘to. Hindi lang yung mga bacteria. Yung mga nilalang sa kalawakan. Aliens, kung baga. Mga hindi mo inaakalang susulpot sa presensya mo, pero ano nang magagawa mo. Andiyan na sila. Maraming naging masamang impluensya sa buhay ko. Hindi ko na maalala kung sino talaga yung naging mabuting impluensya, kung siya ba yon o hindi, pero sigurado ako sa kanila. Salamat.

Dahil makikita mo lang kung sino talaga ang sino kapag lumabas ka sa kwarto mo at tumingin sa langit. Ang rami mo pang hindi alam, pare. Ang rami pa.