Balarila

Mga sabi-sabi ng isang lalaking mukhang may maraming problema sa buhay. Ako rin ang may-ari sa tumblog na kunstrock at drtherapy.

Articles

Balarila

Isang salitang tinuro sakin ng aking guro sa Filipino. Balarila. Ito raw ay nanggaling sa dalawang salita: Bala at dila. Ang ibig sabihin ay gramatika o grammar sa Ingles. Kung tutuusin, totoo nga. Bala ang dila, at ang baril ang isip mo.

Pero malupit baril ko eh. ‘di lang baril. Machine gun pa pare. Sunod-sunod. Mabilis. Malakas. Sapul agad mga matamaan nito. Ito ang aking insecurity numero dos, kasi marami pang iba. Ito lang ang isa sa kanila.

Sinabi nga sa Tumblr username ko. Nagsalita yung gago. Ako. Marami akong sinasabi, pero minsan nawawala ako sa malay ko. Para ngang machine gun. Tutok lang at lalabas na lahat na parang wala nang bukas. Marami akong “Sinabi ko yon?” o “Oh I said that out loud?” moments kasi. Yun nga. Eto ako.

Sa mga natamaan ko, patawad. Wala naman ‘tong personalan. Alam ko nakakasakit, pero please lang sige na. Sapat na siguro yung hindi ako nakakatulog gabi-gabi dahil nababagabag ako sa kakaisip kung anong ginawa kong mali sa araw. Minumulto mo na ‘ko, kaya sana patawarin mo na rin ako.