Kaleidoscope
Matagal akong nawala. Sabihin na lang natin na ang December ang kinababawalan kong buwan, kung baga ito ang aking September ni Billy Joe Armstrong. Masakit, at, … ayun.
Para ba ‘tong mata ng langaw. Isipin mo na lang kung ganon yung mata mo. Parang ilang libong salaming pinagdikit-dikit para gumawa ng mala-bolang kwarto. Dito mo nilagay mata mo sa kwarto na ‘to, at tsaka ka tumingala sa kalagitnaan ng paningin mo, at ano ‘tong nakita mo? Libo-libong kopya ng iisang larawan.
Ganito sana gumagana ang isip ng tao. Parang mata ng langaw. Parang isang kaleidoscope.
Ang paningin ng tao ay nakasentro sa isang punto. Nakikita mo lang ang nakikita mo at yun na lamang. Siyempre, isa lang ang pares ng mata mo. Anong magagawa mo? Tao ka lang. Tao lang rin ako.
Sana nga ganon. Wala lang. Nag-iisip. Parang batang humihiling ng isang totoong Blade Liger na mamaneho para sa pasko. Sorry panahon ko pa yan eh hehehe. Parang isang contestant sa Ms. Universe. World Peace lang lagi gusto. World Peace.
Ito kasi ang kulang ng world. Dapat tumingin rin tayo sa nakikita ng iba, kasi lahat naman may pinapanggalingan, oo pati yung CBCP. May pinanggagalingan rin sila kahit kay sarap i-angry birds silang lahat. Kakampi na ba ‘ko sa kanila? Hindi. Hinding-hindi.
Dahil marami diyan binubulag sarili nila. Isang pares na nga lang, inaalis pa nila. Tinatakpan pa. Bakit? Nagpapaka-isda sila. Isdang botsa. Yung patay na. Padaloy-daloy na lang sa agos ng tubig. Parang batang mainstream.
Eto na naman ako. Sa atraso ko sa pagiging mainstream hahaha.
Pero sige. Tama na. Isa lang naman gusto ko ngayong pasko.
Maging masaya.
Ito lang naman gusto mo diba? Gusto ng lahat?
Ang makangiti ng isang napakatunay at purong ngiti na masisilaw ang Diyos mismo sa kalinis at dalisay nito. Kaligayahan. Ganon. Pagkakaintindihan.
Makita niyo sana kung saan ako nanggagaling, at sana’y makita ko rin kung saan kayo nanggagaling. Tama na ang away. Isipin mo na lang ikaw siya. Ano sa tingin mo nararamdaman niya? Dumadaan sa isip niya?
Iiwan ko nalang ang isang kanta ng grupo nila Joss Stone, Mick Jagger, Dave Stewart, A.R. Rahman at Damian Marley. Sana ganito lang ang buhay. Puro chill vibes. Chill vibes. Rock me gently, sabi nga nila. Iduyan mo ‘ko ng dahan-dahan, ng patuloy-tuloy.
http://www.youtube.com/watch?v=gemGj9-SMcs
Magandang gabi, at maligayang pasko sayo, pare, sis, dude, beki, gurl, at tsong. Maligayang pasko sayo.