Balarila

Mga sabi-sabi ng isang lalaking mukhang may maraming problema sa buhay. Ako rin ang may-ari sa tumblog na kunstrock at drtherapy.

Articles

Ceasefire

Ang galing isipin na kaya ng isang gabi ipagpulong ang lahat na tao at kalimutan ang kanilang pagkakaiba, tunggalian at problema. Para bang may sense na ng kapayapaan wala doon dati. Yung mga magkakaaway nagkakasundo, ang mga naggegera nagtitigil putok. Naririning mo ang katuwaan ng mga kapitbahay mo na bumabasag sa pang-araw-araw na katahimikan. Ang mga mayaman biglang trip mamigay sa mahirap, at ang lahat ay nagtutulungan para pasayahin ang kapwa nila, kilala o ‘di man nila kakilala. Maganda ngang isipin na sana araw-araw ganito tayo, pero ayos lang din. Kahit isang araw ayos na. Kasi kung isipin mo, kaya pala siya eh. Kebs pala natin ‘to. May pag-asa pa.