Sponsors!
Hehe para bang artista pagkatapos ng talk show niya o primetime slot niya. Parang si Kris, yung tipong “I would like to thank Dra. Vicky Belo for my skin, Pantene for my hair, and that asshole James Yap for my fucking broke heart yung ganon.” Naging malupit kahit papano ang 2011 sakin. Marami akong pinasasalamatan, at bihira rin ako magpost ng mga personalang blog dito, so eto. Itatago ko sa ilang mga pangalan ang mga taong ito para hindi niyo makilala hehehe tingnan nalang natin kung gets mo, taong pinapatamaan ko kung sino ka, at ikaw, ang aking mambabasa kung sino sila.
Itatago kita sa pangalang “RJ” dahil sa acronyms ng pangalan mo hehe. Salamat sa lahat. Sobrang eye-opener yung ginawa natin nung summer. Game pa rin ako if ever hehe senyasan mo lang ako. Marami akong natutunan and lifechanging kahit papano ang experience ko kasama ka, marami rin akong ginawang hindi ko inaakalang gagawin ko.
Salamat sa malupit kong Fil prof nung 1st Sem, na itatago ko sa pangalang “Sir Maki” kasi tunay kang makisig at tunay na makikinabang ang mga susunod mong estudyante hehehehe. Salamat sir. Ikaw siguro nag-udyat sakin para magsulat ng ganito. Kahit 80% sabaw yung sesyon pag klase, ayos lang. Marami pa rin akong natututunan. Sana po mahanap niyo na ang tunay niyong honeybebs o sweetypie kung sino man siya hehe.
Salamat kay “Andrew” dahil mahilig siyang man-drewing eh. Pati kay “Mags” kasi pwedeng pwede siyang maging magazine editor. At, tangina. Buong block ko. Si “Le Nico” kasi French siya, akala niyo ba, si “Gio” kasi magaling siya sa Geometry, kay “Niqui” kasi unique siya eh. Marami pa. Lahat kayong 23. Mahirap nang itago sa codenames mga pangalan niyo eh hahaha. Salamat guys. Nagbago ako sa inyo. For realz ‘yo. Nung una alam ko medyo cold vibes binigay ko, pero nasanay rin ako. Natutunan ko ring makisali sa inyo hehe salamat talaga guys.
Salamat sa kaibigan kong pumunta sa Boston. Marami ka ring pinarating sakin, at hinding-hindi ko malilimutan ang karansan ko kasama ka. Buti lang rin magkikita pa tayo sa Sabado hehehehe magpaka-fries tayo at magketchup tayo dun!
Salamat sa mga kaklase ko sa High School. Miss ko na kayo tangina. Sana may nagtetext lang diyan kung may lakad ba o hindi. Oo pinaptamaan kita, Bengzon, pero ayos lang haha next time nalang. It’s cool bro.
Sino pa ba yung mga nakilala ko ng 2011, o yung mga naging importante sa buhay ko hmmmm.
Sa totoo lang lahat kayo siguro. Lahat ng nakilala ko, lahat ng nakasama ko, kahit papano naging mahalaga kayo sakin. Ganon ang buhay eh. Tulad ng isa kong kaibigang mahilig sa pusa, si “Kat,” ikaw ay ang pagsama-samang manipestasyon ng lahat ng iniwan sayo ng mga kilala mo. Kaya salamat nalang sa lahat, sa lahat ng mga kaibigan ko, kapamilya, kapuso, at kapatid.
Mga hindi ko nabanggit:
Sila Lu, Boggs, Robie, Monte, Ang Pito, si Micheas, Wes, Brian, ang pamilya ko, ang dalawang KC, Sir Troy, Maricris, pati ikaw Henry, yung barker ng trike sa may samin, yung mga cashier sa kainan sa gym sila Cry at Carmy, at kay Lord nalang rin, sige. Kahit hindi ko man siguro kayo masyadong kilala, sige nalang rin. Salamat kung dito mo ‘ko ninais ipadpad.