Dear Anonymous
Bigla nalang kasi ang rami mong request sakin sa Facebook. Kung ano-ano pa pangalan mo, at ayoko pa banggitin kung ano yun kasi baka may masiraan pa ‘ko. Akala mo ba tatanggapin ko yung request mo? Hinding hindi.
Sa totoo lang nakakaawa yung mga tulad mo. Sabihin mong konserbatibo ako pero konserbatibo na kung ganon. Nakakaawa yung mga taong tipong paadd-add ng kung sino-sino sa Facebook. Ayoko na malaman kung bakit. The mere fact na ginagawa niyo, tsong wag na. Wala ka ring mapapala. Hindi ka magiging cool kung 5000 na friends mo. Nakakalungkot rin isipin kung nakita mo yung girlfriend mo sa internet, sa pamamaraang parang ganito.
Mas nakakahinayang naman yung mga pumapatol sayo tsong. Bakit kaya no? Hindi ka na nga kilala, ano naakit lang sa Profile Pic mo? Sorry pero ‘di ako ganong lalaki. Ang TNL raw ay macho, maraming babae, pero kung ganon ang depinisyon ng TNL pare edi bakla ako, at kung ganon nga ang sitwasyon ipinagmamalaki ko ang kabaklaan ko. No offense siyempre sa mga baklang nagbabasa nito.
Please lang. Maawa ka sa sarili mo. Wala akong paki kung maganda ka, o kung popular ka, o ano. Hindi mo ‘ko kilala, at hindi rin kita kilala. Tingnan mo kung ano yung mga nangyayari sa states. San sila napapadpad? Puro divorce, abortion, puro goodtime lang kasi habol nila. Sorry, pero habol ko matinong babae. Kung maghihintay pa ‘ko ng ilang taon para don, sige lang. Meron na yata akong nakita, pero ayoko pa isipin. Kikilalanin ko muna siya, para hindi siya matulad sayo. Ako na mismo ang magffriendzone sakin. Tsaka, naniniwala ako na kung plano ng tadhana na magiging kayo, mapapasakin siya. Kung hindi, edi ayos lang. Marami pa naman diyang pwede, o meron pang mas malupit na hinanda para sakin. Hindi ko pa nakikita.
Kaya ikaw, tama na. Mahiya ka naman. Magbago ka na. Iiwan na kita, pero kung isipin mo, wala naman akong pinuntahan sa umpisa. So, bahala ka na diyan sa pwesto mo. Ikaw na bahala kung mangingisda ka ba diyan ng bato-bato, o maghahanap ng totoong pag-ibig. Na sayo na ‘yon.