Balarila

Mga sabi-sabi ng isang lalaking mukhang may maraming problema sa buhay. Ako rin ang may-ari sa tumblog na kunstrock at drtherapy.

Articles

Ang Eksorsismo Ni Franco Sabino

At saka’y pinurga ang demonyo mula sa lalamunan niya, sa bawat ugat at agusan sa kaniyang katawan. Walang naiwan maliban sa katawang siyang pinaglaruan na mistulang manika sa bibig ng mabagsik na buwaya. Ngunit lumaban siya at lumaban, lumaban na ‘sing lupit ng halimaw na humahawak sa kaniyang kaluluwa.

At saka’y lumisan ang ispiritu at ang kaniyang mga alagad. Ang isang lehiyon ng malebolenteng nilalang ang tumakbo mula sa kanilang biktima patungo sa kanilang pinanggalingan. Walang naiwan at walang natira sapagka’t sila’y binuhusan ng ilaw ng isang mortal na siyang galing sa kapangyarihang higit pa sa kayang hawakan ng isang hari. At dito nga siya humari sa labanang naganap sa kaniyang kaloob-looban. Walang nakakita. Walang nakaramdam. Maliban nalang sa mga mata ng naging matagumpay sa dalawang dekada ng pagpaparusa sa kaniyang sarili.