Balarila

Mga sabi-sabi ng isang lalaking mukhang may maraming problema sa buhay. Ako rin ang may-ari sa tumblog na kunstrock at drtherapy.

Articles

Inalay Sa Sentido Ni Artemis

Nakipagtapo sila sa gitna ng gubat tulad ng parati. Nariyan siya, isang maginhawa at matikas na animal na nakatitig sa mga mata ng kaniyang manonood. Isang usa. Isang usa.

Hindi sila tumigil. Isang tao at isang hayop. Silang dalawa sa kalagitnaan ng kaharian ng diyosa. Gintong sungay. Ginto ang sungay ng usa. At intinaas niya ang kaniyang pana at tinuro ito sa direksyon ng nananahimik na hayop. Bakita kaya, kaniyang naisip. Ilang usa ang kailangang mapaslang para mapalaan ng diyosa?

At saka pumasok sa kaniya ang isang kapangyarihang hindi niya naransan sa buong buhay niya. Kaniya’y binitawan ang lupid at lumipad ang palaso sa ere. Singbilis ng kidlat kung siya’y tumakbo na parang agilang lulundag sa kaniyang manila.

Isang saglit. Isang saglit lang ang kinailangan para mapatumba ang hayop. Gintong sungay. Isang usa. Isang pag-aalay para sa diyosa ng pangangaso. At inalay sa templo, at hinagis sa nagbabagang apoy. Bakit kaya, kaniyang naisip. Ilang usa ang kailangang mapaslang para mapalaan ng diyosa? Kahit ilan, sabi ng usa. Kahit ilang usa ang maaari mong ipaslang para matuwa sayo ang aking reyna. At saka’y lubusang kinain ng alab ang bangkay ng animal.

Hinagis niya ang kaniyang pana’t palaso sa apoy at pinanood itong maging abo. Huminga siya ng malalim at humanda sa parusa galing sa kaniyang diyoisa. Tinamaan siya ng gintong kidlat mula sa kalangitan, at agad tumubo sa kaniyang ulo ang mga gintong sungay, at siya’y hinugis sa anyo ng isang marupok na hayop.

Paglingon niya sa likod ay natagpuan niya ang isang binatang may panang nakaposisyon. Nariyan siya, isang maginhawa at matikas na animal na nakatitig sa mga mata ng kaniyang manonood. Isang usa, isang usa.