Balarila

Mga sabi-sabi ng isang lalaking mukhang may maraming problema sa buhay. Ako rin ang may-ari sa tumblog na kunstrock at drtherapy.

Articles

Pagod

Ito lang. Walang creative title or ano. Pagod. Basta yun. Bihira akong magreklamo sa pagod na nararanasan ko pero sige pagod na kung pagod.

Pero sa anong dahilan ako nagpapakapagod. Kanino ko ibibigay yung pagod na ‘to. Sino ang karapatdapat kong pagpaguran. Ito ang mga tanong na mismong pumapagod sa isipan ko nang akala kong tahimik na ang lahat. Katawan, isipan, pati kaluluwa lahat-lahat yan napapagod. Pero kung saan ka nagpapakapagod, yan ang tanong pare. Saan mo nga ba inaaksaya ang oras na para pag-uwi mo gusto mo nalang humiga, pero hindi eh. Bibigay ka pa rin. Go ka lang ng go. Kanino mo ‘to ibibigay? O kaya, kani-kanino?