Balarila

Mga sabi-sabi ng isang lalaking mukhang may maraming problema sa buhay. Ako rin ang may-ari sa tumblog na kunstrock at drtherapy.

Articles

Nakakakilig!

Ang tension sa SOPA. Ito kasi yung parang ano. Yung parang nasa pelikula ka pero nangyayari sa buhay mo. Bakit naman? Ito yung parang eksena sa kunyari ano. Marvel at DC, o Marvel vs Capcom. Yung mga dating nag-aaway-away nagkakaisa. Yung mga /b/ ng 4chan at tayong mga Tumbloggers ay nagsasanib pwersa para pigilan ang pagkasira sa bagay na dumurugtong sa ating mga mundo. Nakita ko kasi yung Hacktivists na naghack sa site ng DoJ at iba pang government sites ng US. Wala lang ang cool eh. Nagkakatotoo na yung mga tema ng maraming pelikula, kunyari yung “V for Vendetta,” na ang pamahalaan talaga ang totoong kontrabida, at tayong lahat ay obligadong lumaban o magpakauto sa kanila.

Nakikita ko na. Isang online revolution, tapos lahat na tao may suot na maskara ng Trollface, at sabay-sabay tayong paparada papunta sa gobyerno. Yun nga lang yung gobyerno dapat yung na sa US pero nandito ako sa Pilipinas at ano nga ba magagawa ng pagparada natin sa Malacañang kung ‘di man lang nila maayos yung problema ni Corona?

Alalahanin lang sana ng gobyerno na ang sambayanan ay mas malakas sa kanila. Iilan lang sila sa anim na bilyong indibidwal na espiritung may dalang puso’t karangalan; bawat isa may bitbit na kahusayan at kabutihan na hindi kaya patumbahin ng kung sinoman. Imultiply mo yon sa higit isang milyon at tingnan lang natin kung sino pa ang may kapangyarihan sa atin.