Isa sa pinakamasaklap na nakita ko habang pauwi ako
Nakasakay ako sa gitnang upuan sa trike. Yung dinadaanan ko kasi mula Katipunan papuntang Commonwealth, so nadadaanan ko yung skwater’s area sa may Old Balara, yung gagawing highway o kalsada pa na dudugtong sa Congressional Ave. Extension. May katabi akong nanay at anak niya.
Anak: Nay, bakit po sinisira yung mga bahay nila?
Nanay: Eh! Kasi naman hindi sila nagbabayad. Yan tuloy pinapaalis sila.
Anak: Tayo po ba nagbabayad?
Nanay: Ah, oo naman.
Pagkalipas ng isang linggo, giniba na yung bahay nila.