Balarila

Mga sabi-sabi ng isang lalaking mukhang may maraming problema sa buhay. Ako rin ang may-ari sa tumblog na kunstrock at drtherapy.

Articles

Perterrefactus

Ilang araw na ‘kong nanaginip na saktan ka, o baliin yung buto mo, o patayin ka,o saksakin ka, o kahit ano. Mahabang listahan ‘to. Madalas mga napapaginipan ko mga malalabong konsepto ng mga pangyayari. May mga zombie squatter girls o kaya mermaid na nasa lupa na mukhang teddy bear. Ayos lang yung mga ganyan sakin. Sa totoo lang natutuwa pa ‘ko, kasi ang cool panoorin.

Kinatatakutan ko lang pag posible siya mangyari, o yung mga tipong alam mong kaya mong gawin sa totoong buhay pero ayaw mo, pero gusto mo rin eh. Natatakot ako na baka may gawin akong ‘di kanais-nais. Ayokong isipin na babaliin ko braso mo isang araw habang kumakain tayo, o biglang tatadyakan kita habang nakaupo ka. Kaya sige na. Ayusin mo buhay mo.

Kung ako mismo magagawa ko ‘yon para sayo matagal ko na siguro ginawa yon, pero hindi eh. Hindi ganon tumatakbo ang buhay. Hindi siya parang Sims na kaya mong laruin lahat ng character sa laro. RPG siya, o kaya’t laro ng Pusoy Dos. Minsan siniswerte ka sa makukuha mo. Madalas mamalasin ka. Pero na sa sayo na yon kung paano mo ipapanalo yung mga baraha mo, kung may dos ka man o wala, at maniwala ka sakin marami akong kilalang nananalo kahit man alas wala sila.