Nauubusan na ng pasensya
Alam niyo yun? Yung pakiramdam na bigla na lang iinit ang buong katawan mo. Parang naka-RedBull yung puso mo at todo lang siya sa pag-igib ng dugo. Dugong pula, at dugong nakakapasong nanggagaling sa puso na sinlamig ng puso ng isang gutom at mabagsik na leon.
Isipin niyo may isang tao, na pagkapasok lang niya sa kwarto, gusto mo nang ilabas yung baril mo at paputokin ito sa ulo niya, o kaya idapa siya, tsaka tadyakan sa sahig habang nakahiga siya, o kaya habang kumakain kayo ibaligtad yung buong mesa sa kanya at ipitin ang kanyang mga binti.
Ayoko nang mag-isip ng mga ganitong pangyayari. Pero tanggap ko na totoo ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Pag pasok niya, gusto ko na lang lumabas, para pa hindi ko na lang siya isipin, o makita pa. Ang saklap naman non. Kunyari sarili mong kapatid iiwasan mo para hindi mo balibagin sa harap ng sambayanan. Kapatid mo siya eh. Hindi dapat ganito. Hindi ako papatol. I’m not gonna stoop down to her level. O DIBA PANG TELENOVELA pero minsan gusto ko nga. Pero ayoko. Kasi hindi ako ganong tao.
Marahil ganito lang ako mag-isip. Para bang sa limang segundo kaya ko nang mag-isip ng sampung paraan para patayin ang isang tao, o kaya saktan siya. Kaya tintago ko lang ang mga ideya kong ganito, dahil ayokong gumising sa araw na isagawa ko ang mga pinapalabas ng aking marahas na imahinasyon.
Kaya ako nagvevent ulit. Kasi mahalaga rin sa tao ang malabas niya ang laman ng kanyang isipan, mabuti man o masama. Mas madalas masama, pero ayos lang. Vent ka lang tsong. Ilabas mo lahat. At mag-ingat ka sa mga gagawin mo, o mga maaari mong gawin, o isipin, o panaginipan, sa mga susunod na araw.