Cloud precipitation
Bawat patak ng ulan binilang ko.
Isa, dalawa, tatlo, apat.
Bawat isa sinadya. Bawat isa bahagi ng isang dambuhalang patak ng tubig.
At sa gayon tumingin ka sa himpapawid para lang makita kung saan kaya sila nanggaling. Cloud precipitation. Oo nga.
Bawat apak may kapares na talsik ng tubig. At sa bawat talsik nararamdaman mo sa balat ng binti mo. Kasi nakashorts ka. Ba’t hindi ka kasi nagpantalon.
Gusto mo lang naman makauwi. Oo, yun na nga siguro. Sa bahay. Para magpatuyo. Para maligo. Para mabasa lang ulit. Ano ba naman kasi ang pinagkaiba ng tubig-ulan sa tubig-gripo. Yung isa malinis at yung isa madumi, pero parehong hindi mo maiinom.
Kaya nagdala ako ng payong. Ayoko lang mabasa. Hindi ko na mabilang. Pero kung mabilang ko man siya, ano naman ang pinagkaiba ng tubig-ulan sa tubig-luha.